Nag-amok sa kanyang Instagram si K Brosas nang basagin ng isang follower niya ang pagiging emotional niya sa caption ng isang throwback video nila ng yumaong kaibigang si Chokoleit.
Hindi nagustuhan ni K ang pang-iinis ng follower sa walang kakuwenta-kuwentang comment nito.
Heto ang message ng fan: @ronaldfreelandlaw, “Planet X is COMING the earth destroyer called wormwood in revelation red ALERT America gave north kore parts for EMP.”
Nakaramdam si K ng pambabastos sa kanyang pagdadalamhati at pagluluksa sa kaibigang si Chokoleit kaya umakyat ang dugo niya sa ulo, at inaway ang follower.
“@ronaldfreelandlaw, wtf? Seriously U have the audacity to comment about my post???? Is it connected to my friends death??!! Gago kaba? O sadyang walang respeto?? Talaga ba? May planet x na parating?? Mauna ka na dimunyu ka! Wala akong pakialam sa ‘theory’ mo…wag ka mag-comment ng ganyan dito…ay syet baka English speaking ka pala..so u take ur theory blah blah somewhere else and respect my friends death and our grief! Sira-ulo! (patol ako pag ganito!) At naka-screenshot nato kc baka mag-private)…gawa ka ng documentary para ptunayan yan wag dito sa mga nakikiramay shunga!”
Malalalim pa ang pagdadalamhati ni K at ng kanyang mga kaibigang sina Pooh at Pokwang, sa pagkamatay ni Chokoleit kaya madaling uminit ang ulo nila sa sinumang magti-trip sa kanilang kalungkutan.
Source From:https://www.abante.com.ph/k-brosas-nag-amok-sa-fan-na-nanlait-kay-chokoleit.htm