Kaabang-abang ang pasabog: Maja ikakasal na kay Rambo?

4 years ago 0 Comments

Nakabalik na pala ng bansa si Maja Salvador. Nang makatsikahan ko si Direk Dado Lumibao na siyang namahala sa project na kinunan nila sa Dubai, United Arab Emirates, naikuwento niya na Tuesday pa nang umalis doon ang aktres.

Wala pang bagong posting si Maja tungkol sa kanila ng boyfriend na si Rambo Nuñez. Ang last post pa niya ng picture nila na may caption na, “IMY” at may heart emoji ay a week ago pa at ang pinakahuling post niya ay ang picture niya na may caption na, “Got something special to share with you real soon,” na may kasamang smiley emoji.

May iba na ang duda ay tungkol sa kanila ng kanyang boyfriend ang isi-share ni Maja, na baka may ia-announce siya tungkol sa kasalan. Pero ang duda ko naman ay ‘yung project na kinunan nila sa Dubai ang gusto niyang i-share.

Pero sana nga ay i-share na ‘yon ni Maja real soon para mabawasan na ang panababik ng kanyang followers, huh!

Sarah, Richard ayaw iwanan ang Palawan

Kahapon ay ka-text ko si Sarah Lahbati at tinanong ko siya kung kailan ang uwi nila ni Richard Gutierrez kasama ng mga anak nila na sina Zion at Baby Kai.

Nasa El Nido, Palawan pa sila nang maka-text ko si Sarah at sinabing pauwi na sila kahapon.

Ilang minuto lang ay nag-text uli sa akin si Sarah at sinabing, “We’re extending!”

Bitin daw sila sa two days stay sa El Nido, kaya two more days daw sila.

Hindi lang kasi sila ni Richard ang enjoy sa vacation na ‘yon. Sobrang enjoy rin daw sina Zion at Baby Kai, kaya two more days daw sila.
Bale babalik sila on Saturday dahil magdyu-join sila sa Earth Hour event.

Actually, ang event na ‘yon ang siya ring reason kung bakit hindi natuloy si Sarah sa Lenten presentation ng “Eat Bulaga” na makakasama sana niya si Maine Mendoza.

Type nga sana ni Sarah ‘yung Lenten presentation na ‘yon ng “Eat Bulaga” dahil sobrang bait sa kanya ni Maine nang magkasama sila.

Sayang nga. Sana nga may next project na puwedeng makasama ni Sarah si Maine.

Ken, Rita luhaan sa finale ng ‘MST’

Naaliw ako sa pinost ni Direk LA Madridejos after ng last taping day ng “My Special Tatay” (na mamaya na ang finale episode). After daw ng last take niya, he waited for Ken Chan and Rita Daniela para pa­salamatan ang mga ito sa ilang buwan nilang pagtatrabaho.

Pero ang tagal daw bumaba ng da­lawa. Nang makaharap na niya, mugto ang mga mata nina Ken at Rita.

“Nag-iyakan pa pala,” sabi ni Direk LA.

Mami-miss kasi nina Ken at Rita ang halos araw-araw na pagkikita dahil sa taping at promotion ng “My Special Tatay.” In fairness, sobrang kinagat ang BoBrey love team ng da­lawa.

Sa May 11 nga, may concert pa ang dalawa sa Music Museum. Ang bongga!

Source From:https://www.abante.com.ph/kaabang-abang-ang-pasabog-maja-ikakasal-na-kay-rambo.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi