Kagawad bulagta, 1 sugatan sa pamamaril sa Lucena

4 years ago 0 Comments

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang barangay kagawad matapos itong tambangan at pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Barangay Mayao Crossing, Lucena City kamakalawa.

Kinilala ng Lucena PNP ang biktima na si Ariel Sotoma­yor, 46-an­yos, residente at number 1 kagawad ng Barangay Ibabang Dupay.

Samantala sugatan naman si Bong Alarcon, 15, matapos na tamaan ng ligaw na bala.

Batay sa report ng Lucena police, pasado alas-otso nang gabi nang pagbabarilin si Sotomayor sa malapit sa riles.

Kakatapos lamang umanong mag-coach ng biktima sa isang basketball game at nang paalis na ito sakay sa kanyang motorsiklo, angkas ang kanyang asawa nang bigla itong lapitan at pagbabarilin ng naka-facemask na suspek.
Agad ding tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Hindi naman nasugatan ang asawa nito.

Nagpapatuloy pa nga­yon ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin. (Ronilo Dagos)

Source From:https://www.abante.com.ph/kagawad-bulagta-1-sugatan-sa-pamamaril-sa-lucena.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi