Kampi kay Panelo! Walang transport crisis sa Metro Manila –…

3 years ago 0 Comments

Sinegundahan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na walang transport crisis sa Metro Manila.

Ayon kay Tugade, mga problema lamang at hindi pa aabot sa krisis ang nararanasan sa kalakhang Maynila.

“Ang salitang krisis, may kahulugan yan. Sa aking pananaw, meron tayong problema sa transportasyon, meron mga issue sa transportasyon, pero hindi po krisis,” ayon kay Tugade sa panayam sa Dobol B sa News TV.

Depensa pa ni Tugade na ang nararanasang mabigat na trapiko sa ilang lugar ay dahil sa mga road infrastructure project na makatutulong sa hinaharap.

Matatandaan na sinabi ni Panelo sa press briefing na walang nararanasang transport crisis sa Metro Manila dahil aniya, nakararating pa naman ang publiko sa dapat nilang puntahan.

“Mukha namang wala pa. Wala. Kasi nga nakakarating pa naman ‘yung mga dapat makarating sa kanilang pupuntahan. May transportation naman ah. Nakakasakay naman tayong lahat. Nandiyan pa naman ‘yung tatlong LRT ba ‘yun,” ani Panelo. RP

Source From:https://www.abante.com.ph/kampi-kay-panelo-walang-transport-crisis-sa-metro-manila-tugade1.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi