Kamukha raw ni masyubang aktres: Kampo ni magandang celeb…

3 years ago 0 Comments

GALIT na galit ang mga tagasuporta ng isang magandang female personality sa pagkukumpara sa itsura ng kanilang idolo sa isang super-masyubang aktres.

Wala raw namang ganyanan, sabi pa ng mga ta­gasuporta ng sikat na aktres, huwag daw namang ikinukumpara ang kanilang idolo sa isang dambuhalang personalidad.

Kuwento ng aming source, “Naku, talagang galit na galit sila doon sa nag-post na kamukha raw ni (pangalang ng aktres na produkto ng isang nagkahiwalay na mag-asawa) si (name ng personalidad na sobra ang katabaan)!

“Ayaw nilang puma­yag! Hindi raw sila magkamukha! At lalong hindi raw sila magkakatawan! Sobrang syuba raw naman ng ikino-compare sa idol nila!

“At least, ang idol daw nila, e, nakakaya pang mag-two-piece, samantalang ‘yong ikinukumpara sa kanya, kapag tumalon sa swimming pool, e, baka umawas ang tubig sa pool sa sobra niyang katabaan!

“Kahit pa sabihin ng iba na maganda rin naman ‘yong aktres na masyuba, e, ayaw pa rin nilang pumayag! Ayaw nila! Ang kamukha raw ng idol nila, e, ang father niya!

“Bakit, magkamukha raw ba ang father ng idol nila at ang masyubang persona­lity? Kaya sarado sila sa idea! Ayaw talaga nilang puma­yag!” natatawang kuwento pa ng source.

Nakakaloka!

Liza Soberano maraming ‘bubog’ sa puso

IBANG klase talaga ang kagandahan ni Liza Soberano. Pang-Hollywood!

Kapag natututukan namin ang ser­yeng pinagbibidahan nila ni Enrique Gil, ang Make It With You, ay wala kaming masabi sa nagsusumigaw na kagandahan ng young actress. Wala siyang pinipiling anggulo, may make-up man o wala ay maganda talaga siya, malayung-malayo sa mga persona­lidad na humihingi ng awa sa make-up.

At maraming pakakainin ng alikabok sa pag-arte si Liza. Sa mga tuhog na eksena ay talagang naitatawid niya ang emosyon, mahahaba mang dialogue ay minamani-mani lang niya, malinaw at maayos na hindi kinukulang sa damdamin.

Hindi man namin nakakausap ang magandang young actress, pakiramdam namin ay malalim ang kanyang pinaghuhugutan, maraming tinatawag na bubog sa puso si Liza na nagagamit niya sa acting.

Papuri sa kanya ng kaibigan naming propesor, “Nilalahat ko na ang mga young star ngayon, ibang-iba ang beauty ni Liza Soberano. Meron siyang lipstick endorsement na Hollywoo­dish ang dating niya!

“Kundi mo nga alam na Pinay siya, e, mapagkakamalan mo siyang foreign artist. Nakakaaliw nga ang Liza Soberano nose challenge. Perfect kasi ang nose niya, ang mga mata niya, napakagandang bata!” sabi pa ni prop.

Isang kaibigan naman namin ang nagdagdag pa ng impormasyon. Kapag nakilala raw namin nang personal si Liza ay mas hahanga kami sa young actress.
Ang sabi nito, “Humi­ngi ka ng time para makakuwentuhan mo siya. Very open si Liza sa personal life niya, wala siyang itinatago, dahil nalampasan na niyang lahat ‘yon!

“At a very tender age, e, napakarami na niyang nakaengkuwentrong challenge sa buhay. Pero pinatatag siya ng mga ‘yon, natuto siyang magpakatatag, lumaban siya, kaya ito ang resulta.

“Napakabait niya sa family niya, lahat ng suportang puwede niyang ibigay, hindi siya nagdadamot. May ibang family na ang mother niya, pero hindi siya nakalilimot.

“Pati ang lolo at lola niya na kumupkop sa kanya, sinusuporta­han din niya hanggang ngayon, ibinili pa nga niya ng bahay sa Amerika ‘yong mag-asawa, ‘di ba?

“Physical beauty lang ang nakikita sa kanya nga­yon ng publiko, pero the moment na nalaman nila ang magandang puso ni Liza Soberano, e, ‘di lalo na!” sabi pa ng a­ming kausap.

Makahingi nga ng oras kay Ogie Diaz para sa isang mahabaang kuwentuhan kay Liza Soberano!

Source From:https://www.abante.com.ph/kamukha-raw-ni-masyubang-aktres-kampo-ni-magandang-celeb-nagwala-sa-galit.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi