Kandidato nilangaw sa kampanya

3 years ago 0 Comments

TUMATAKBO ito bilang mayor sa isang maunlad na lungsod sa Metro Manila.

Bukod kasi sa maliit na ang entablado at siksikan sila ng mga katiket na kandidato ay nag-iisang beki lang ang host ng event.

Lalong naging kahabag-habag ang eksena sa pangangampanya ni mister kandidato dahil napakadilim at aakalain na brownout sa lugar na pinagdausan ng kampanya.

Ilang bumbilya lang ang nagpapailaw sa entablado.

Mas maliwanag at masaya pa ang eksena sa mga peryahan kumpara sa sortie nitong nangangarap na maging alkalde.

Kaya ang tanong mananalo pa kaya ito?
Hindi naman maituturing na pobre ang naturang personalidad dahil matagal na ito sa larangan ng politika.

Siguro ay nagtitipid lang kaya hindi na nagpabongga.

Pintahan n’yo na. Ang kandidatong nilalangaw sa kampanya ay may let­rang B at C sa pangalan na parang bakya, chaka pa ang peg. (ACano)

Source From:https://www.abante.com.ph/kandidato-nilangaw-sa-kampanya.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi