Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na aprobahan ang reclamation ng Manila Bay kung mauubusan ng pondo ang gobyerno para maibigay sa mga nagugutom na mahihirap na pamilyang apektado ng lockdown bunsod ng coronavirus outbreak.
“Talagang ako handa akong ipagbili ‘yung buong Dewey (Roxas) Boulevard sa gustong mag-reclaim. Bigyan ninyo ako ng bigas, i-approve ko,”sambit ni Pangulong Duterte bago magtapos ang kanyang televised address sa sambayanang Pilipino noong Lunes nang gabi.
Aniya, tutol siya sa reclamation project dahil sa magkakaroon ng problema ang lungsod ng Maynila.
“Kasi hindi ako pumayag na magreclaim. Because a reclamation sa Manila Bay would trap sa environmentally — mag-collapse ang Manila. Tapos may — there will be a — well, I would say may mga siyudad na bago, mga apartments, mga high-rise. But then the City of Manila, given its lack of ‘yung water treatment o treatment sa waste wala, so ‘pag ganon ang ginawa mo, patay ang Maynila.” paliwanag pa niya.
Sinabi pa ni Duterte na kung hinaharang niya ngayon ang reclamation ng Manila Bay, baka matuloy naman ito sa maluluklok bagong pangulo pagkatapos ng 2022 presidential elections.
“Just wait for two more years, bahala na kayo. Ang susunod sa akin, he will decide for us. Or if I do not reach the finish line, then, my successor will do it for you also,” ani ni Duterte.
Source From:https://www.abante.com.ph/kapalit-ng-pagkain-manila-bay-ibebenta-ni-digong.htm