Kapitan, pa-pampam: Social distancing sa Las Pinas muling…

3 years ago 0 Comments

Tila hindi nadala ang isang barangay captain sa Las Pinas sa naging isyu sa pagpapamudnod ni Mayor Mel Aguilar ng kanyang relief goods nang gayahin din ito ng isang opisyal ng barangay opisyal.

Sa post ng netizen na si Charmz Lantacon Hardin nung March 20, 1:44pm, makikita sa picture na pila ang mga taong lumabas sa kanilang mga tahanan para makakuha ng kakarampot na relief goods sa Barangay Almanza Dos sa loob ng TS Cruz Subdivision.

“Calling our brgy officials..I don’t think tama po ito? Papunta po sa brgy pra pumila n wla social distancing,” sabi ni Hardin.

“Di po ba pwede na mag reach out s mga bahay bahay for the pass-kasabay ng distribution of goods? Or zone leaders at least? Have a heart naman po…nkaka disappoint po,” dagdag niya.

Ang barangay captain sa Almanza Dos ay si Mira-Jon Alovera na nasa unang termino niya. Humalili siya sa kanyang asawa na nakatatlo namang termino.

Nauna rito ay nakatikim din ng mga banat mula sa netizens si Mayor Aguilar dahil sa wala sa ayos nitong pagmamamudmod ng relief goods sa harap ng city hall.

Source From:https://www.abante.com.ph/kapitan-pa-pampam-social-distancing-sa-las-pinas-muling-nalabag.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi