Karla rumesbak sa nambastos kina Kathryn, Daniel

3 years ago 0 Comments

Hindi nagpaawat at agad ngang rumesbak, at nagpakawala ng kanyang matitinding linya si Karla Estrada sa blogger na si Banat By pagkatapos umanong insultuhin, bastusin ang pagkatao nina Kathryn Bernardo at anak na si Daniel Padilla.

“Di ka nag-iisip na may mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga supporters sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para bastus-bastusin mo lang ang pagkatao nila. Ikaw ba ang bumuhay sa kanila? Wala ka ni katiting na karapatan na bastusin sila?” tweet ni Karla.
Bago nga `yon ay nag-post na rin si Karla sa kanyang Instagram bilang pagtatanggol sa dalawang tao na mahal na mahal niya.

“Sila ang dalawa sa pinakakamamahal kong tao sa buong mundo. Bilang momshie nila gagawin ko ang lahat para protektahan sila. Siguraduhing maging masaya sila at magkaroon ng magandang kinabukasan. Feeling ko naman deserve nila Dj and Kath yun kasi nagtatrabaho silang mabuti at tumutulong sa pamilya sa abot ng kanilang makakaya. At kung may gusto po silang sabihin tungkol sa nangyayari sa ating lipunan, respetuhin po natin sila. Kahit hindi na bilang mga artista kundi bilang kapwa natin Pilipino. Maraming bagay ang walang katiyakan. Ang sa akin lang mga momshies ngayon higit kailanman, magkaisa tayo. Labanan natin ang krisis ng iisa. Kapit kapit po tayo para sabay sabay nating malampasan ang krisis at kahit papaano, masiguro na maganda ang kinabukasan ng ating mga anak.” (Dondon Sermino)

Source From:https://www.abante.com.ph/karla-rumesbak-sa-nambastos-kina-kathryn-daniel.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi