Karla tinawag na malandi ng komedyante

3 years ago 0 Comments

Napakasaya ng puso ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada. Parang kuma-Kathryn Bernardo lang sa naging surpresa ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jam Ignacio.

Hindi naging hadlang ang quarantine at nai-celebrate nila nang bongga ang kanilang 1st anniversary as boyfriend/girlfriend.

Ang sweet ng message ni Jam sa card na ibinigay nito kay Karla na, “I believe everything happens for a reason because it led me to you. I Love You.”

Sa bahay na ni Karla naganap ang kanilang “date” with all the sunflowers and candlelit dinner. Naka-all white pa si Karla na “girl na girl” at bagets na bagets, na parang bagong kasal huh!

Effort sa production design with a heart shaped lighted candles pa. Kaya busog na busog ang puso ni Karla after ng ilang naging past relationships niya sa iba’t ibang ama ng mga anak niya, tila feel niyang “forever” na niya ang present boyfriend.

Eh, may mga chika nga na mukhang nagpaplano na rin silang magpakasal.

Ang caption ni Karla, “My heart tell me that true love really exists! This is a year worth celebrating! Happy 1stanniversary, love. Looking forward to 800 more years with you. I love you.”

Ending, aliw ang mga comment ng mga kaibigan niyang artista. Sey ni Vice Ganda, “Magkakasunog pa dahil sa mga kaharutan mong yan e!!! Patayin mo na ung mga kandilaaaaaa!!! Ang landi landi mo!!!!” Natatawang sinagot ito ni Karla nang, “Hahahaha! Hoy! Ingiteraaaaa!!!”

Si Jolina Magdangal naman, “Pag happy talaga, di mapapansin ang oras. Happy 1 year ate Kars and Jam!!!”

Sabi naman ni Jackie Forster, “Bagets! Young love sweet love.”

At marami pang ibang celebrities na bumati at tamis na tamis sa dalawa, huh!

Dahil sa virus: Manolo nakabasa ng 40 libro

Nakausap namin si Manolo Pedrosa na napansin namin tahimik din. Hindi rin ito halos nag-a-upload sa kanyang mga social media account.

Nang tanungin namin ito kung ano ang pinagkakaabalahan, nagulat kami sa sagot niya.

“Sa totoo lang, nang magkaroon ng lockdown, nag-decide akong talaga na i-off yung phone ko. Kaya hindi ako masyadong nakakapag-communicate at hindi rin ako masyadong nagso-social media. Nag-focused na lang muna ko sa pagdyi-gym pa rin pero kung ano lang yung meron sa loob ng bahay.

“At naibalik ko yung love of reading. Kasi kapag may work, yun minsan yung naiisantabi. I would say that this whole quarantine, siguro nakatapos na ako ng 40 books.”

Mostly, non-fiction books daw ang binabasa niya tulad ng mga psychology books, business books since yung kinuha niyang course ay related to that.

“Naging realization ko rin ngayong may pandemic na lahat tayo affected, I am affected, even our business and I think, halos lahat talaga. But at the same time, we should not stop learning.”

Source From:https://www.abante.com.ph/karla-tinawag-na-malandi-ng-komedyante.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi