Super proud ako kay Marcelito Pomoy lalo na ngayon na nalagpasan niya ang semi-finals ng “America’s Got Talent: The Champions”, na by next week nga ay grand finals na, ha!
Gaya nang naisulat namin dito noon ay wala sa kamalayan namin ang pangalan ni Marcelito, kahit na nanalo ito noong 2011 sa “Pilipinas Got Talent”.
Nakilala lang namin si Marcelito nang mag-trending siya sa mga social media at punong-puno ng mga papuring reaksyon from people around the world.
Para na siyang si Sen. Manny Pacquiao na nakilala ng buong mundo dahil sa boxing. Kaya hindi lang tayong mga Pinoy ang nagdadasal para sa tagumpay ni Marcelito kundi ang buong mundo.
Sa biglang kasikatan ni Marcelito ay walang ipinagbago sa kanyang ugali, kaya tuloy-tuloy ang good vibes.
By next week na nga ang grand finals at sana ay mapagtagumpayan ni Marcelito ang laban na ito.
Ayon sa asawa ni Marcelito na tumatayong manager niya, ang makapag-compete at makakanta si Marcelito sa isang international stage ay malaking bagay na sa kanila.
May sitsit pa nga na malaking bagay raw sa “America’s Got Talent” na mag-perform si Marcelito sa AGT stage dahil tumataas ang ratings nila na nakatutok ang buong Pilipinas o buong mundo sa programa.
Good luck, Marcelito! (Joe Barrameda)
Source From:https://www.abante.com.ph/kasingsikat-na-ni-pacman-agt-tumaas-ang-rating-dahil-kay-marcelito-pomoy.htm