Kaso ng child abuse sa Benguet bumaba

4 years ago 0 Comments

NASA 43 kaso ng child abuse para sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan sa lalawigan ng Benguet ang naitala na mas mababa kumpara noong nakalipas na taon, ayon sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) kahapon.

Ayon kay PSWDO officer Juana Bannawe, isa sa mga biktima ng child abuse ay isang 9-anyos na ginahasa ng kanyang sariling tiyuhin sa munisipalidad ng Tuba habang ang 15 pang kaso ng rape ay kagagawan ng boyfriend, teacher, helper, kapitbahay at mga kamag-anak ng mga biktima.

Sa datos ng PSWDO, ang La Trinidad, Benguet ay may pinakamataas na kaso ng child abuse na may bilang na 21 na kaso, sumunod ang Tuba na may walong kaso, lima sa Bukod at apat sa Itogon.

Sinabi ni Bannawe na ang pagbaba ng kaso ng child abuse ngayong taon ay dahil na rin sa tulong ng mga non-government organization (NGO) mapagobyerno man o pribadong sektor. (Allan Bergonia)

Source From:https://www.abante.com.ph/kaso-ng-child-abuse-sa-benguet-bumaba.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi