Kathryn bagong leading lady ni Bong

3 years ago 0 Comments

Ni: Rose Garcia

Lumabas na ang gagawing pelikula ni Senator Bong Revilla sa Star Cinema ay si Kathryn Bernardo ang makakasama niya. Medyo may balita na kami sa posibleng tema raw ng movie nila, pero still, ayaw pa ring kumpirmahin ni Senator Bong ang pagsasama nila ni Kathryn.

“Pabayaan nating manggaling ‘yun sa Star Cinema. Ayokong sa akin manggaling,” nakangiting sabi niya nang humarap sa ilang entertainment press.

Depende pa rin daw kung ano ang mauuna niyang gawin, ‘yung pelikula niya sa Star Cinema o ‘yung pang-MMFF niya na movie.

Janine type makasama ni Revilla

Pero kung may sigurado man daw, ito ay ang pagbabalik-telebisyon niya.

“Basta siguradong mapapanood niyo na ako.”

Natawa na lang si Senator Bong nang tanungin namin kung open ba siya sakali at ilagay ng GMA si Janine Gutierrez as guest.

“Oo naman, bakit naman hindi,” nakangiting sabi niya.

Kung matatandaan, naging isyu nang magbigay ng reaction si Janine nang malaman nitong may show si Senator Bong sa GMA. Pero halatang ayaw na nitong pahabain pa ang isyu at positibo na lang na sinabing, “Ang masasabi ko lang, mahal ko kayong lahat na nasa industriya ng telebisyon. ‘Yung sinimulan natin sa industriya, ‘yung pagtutulungan, parang magkakapatid lahat, sana ipagpatuloy natin ‘yun.”

Ipinaalala namin dito na dati, nabanggit niya na mas nasasaktan siya kapag mga kasamahan niya mismo sa industriya ang namba-bash o bumabatikos sa kanya.

“Actually, napakaganda ng sinabi mo, pero wala na sa akin ‘yun. Karapatan nila ‘yun na magkomento. Basta mahal ko sila.”

Kung magkasalubong man daw sila ni Janine sa bakuran ng GMA, wala na raw talaga sa kanya ‘yun.

Sa isang banda, kahit parehong ngayon lang nagbabalik muli sa public service bilang 3rd term senator at sa showbiz, tila mas-focused pa siya ngayon na so far, siya ang may pinakamaraming bills na ipinasa sa Senado at ‘yun nga, both TV and movies ang sabay na pagkakaabalahan niya rin.

***

Anim na buwan na nawala sa bansa si Rhian Ramos para magbakasyon at the same time, mag-aral ng Comedy Improve sa New York. Pero sobrang na-enjoy niya raw ‘yung time na ‘yun at pagbalik niya ng bansa, mas grabe pa raw ang gana niyang magtrabaho.

‘”Yung time na ‘yun, natuto ako na kung hindi ka malinis, magkaka-ipis. I hate vacuuming, that’s not fun. Laundry is okay. I’m very good at washing dishes.

“Natuto akong magluto ng buong dish na isang pan lang ang madudumihan kasi, ako lang din ang maghuhugas, systematic.”

Kahit paano, naa-apply rin daw niya ang napag-aralan niya sa New York sa bago niyang primetime series.

“Dito kasi, may funny moments and thank God, most of the funny moments came from my character. Very exciting, ‘yun nga, dramedy is very fun for me.”

Hindi naman itinatago ni Rhian na happy siya ngayon sa love life niya. Magwa-one year na sila ng Israeli boyfriend at hindi raw nagiging issue sa relasyon nila ang relihiyon. Jewish ang boyfriend at Christian naman siya.

“We talked about our religion openly but we don’t argue. I don’t think he’s wrong and he doesn’t think I’m wrong because we think, we understand our God differently but we believe, we have the same God.”

Source From:https://www.abante.com.ph/kathryn-bagong-leading-lady-ni-bong.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi