Kathryn bawal dalawin ni Daniel

3 years ago 0 Comments

At tumigil ang mundo…

Ganyan nga ang nangyari noong nag­simula ang community quar­antine.

Pero tila mas tumitigil ang mundo ni Kathryn Bernardo sa tuwing hahalikan siya ni Daniel Padilla at ganoon din naman si DJ kay Kath.

Halatang miss na miss na agad ni Kathryn si DJ da­hil hindi na muna maaaring lumabas ngayon at pansa­mantalang tinigil muna ang mga shoot. In-implement din kasi na bawal lumabas kung bibisita lang sa mga kamag-anak o kaibigan at magmo-mall. Meaning, hindi mabibisita nina Kathryn at DJ ang isa’t isa.

Kaya naman dahil sa sobrang miss ni Kathryn kay DJ, nag-post ito ng throwback picture nila ni DJ na nasa Amanpu­lo sila na magkayakap at naka-kiss sa kanya si DJ.

Nag-uumapaw naman sa kilig ang lahat ng kanilang mga kaibigan at fan. Ipinag­kumpara pa ang dating pic­ture nilang dalawa kung saan nasa Iceland sila na si Kathryn naman ang naka-kiss kay DJ.

“Virus ka lang, KathNiel love is strong,” comment na­man ng isang fan.

“A w w w she miss him (puppy eyes emoji),” dag­dag pa ng isa.

Agad um­abot sa daang li­bong likes at reac­tions ang litrato sa loob lamang ng wala pang isang oras, ha! (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/kathryn-bawal-dalawin-ni-daniel1.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi