Kathryn, Daniel kulang pa ang datung para mag-asawa

3 years ago 0 Comments

Nasa Rome ngayon ang couple na KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) para sa “ASAP Natin ‘To in Rome”. Pero bago man makarating ng Rome ang KathNiel, nagkaroon ng sandaling panayam ang dalawa sa “TV Patrol” showbiz reporter na si MJ Felipe.

Ayon kina Kath at DJ, ilang beses na silang nakakapunta ng Europe pero excited pa rin sila para sa tour na ‘yon na handog ng “ASAP”.

Pagkatapos ng Rome ay lilipad sila patungong Switzerland, Dubai at iba pa.

Sa rami rin ng kanilang napuntahang bansa, goal din daw ng dalawa na makadayo ng South Africa, Russia at marami pang iba pero hindi pa nila napaplano ang kanilang pagpunta sa mga bansang nabanggit.

Relationship goals na nga talaga ang KathNiel sa kanilang mga adventure na magkasama.

Anyway, natanong din sila kung ano ang masasabi sa latest chika na engaged na ang kapwa Kapamilya artist na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

“Why not? It’s about time. Mukhang handa na rin naman silang dalawa, so bakit hindi? At ano pa ba ang ating inaaksayang panahon?” sagot ni DJ.

Mula sa sagot ni DJ, humugot naman ng tanong si MJ kung ano rin kaya ang inaaksayang panahon ng dalawa? (Bakit hindi pa rin sila magpakasal?)

Agad na sumagot ang dalawa na mag-iipon daw muna sila dahil sina Sarah at Matteo, palagay nila ay may sapat nang ipon para magpakasal. Sila raw ay wala pa. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/kathryn-daniel-kulang-pa-ang-datung-para-mag-asawa.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi