Kathryn nagpasabog ng kaseksihan sa Palawan

3 years ago 0 Comments

Bago pa man mag-ingay ang mga paputok sa pagpasok ng 2020, nauna na ngang nagpasabog ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram. Bihira lang kasi kung mag-post ang aktres ng sexy na litrato, at sa pagtatapos nga ng 2019, binonggahan talaga niya ang huling post kung saan kitang-kita ang kaseksihan niya na bihira lang niya gawin dahil baka magalit si Daniel Padilla.

Nakasuot si Kathryn ng white bikini top habang natatakpan naman ng white cotton jogger pants ang kanyang pusod hanggang legs.

Mas showy ang skin kumpara sa mga nagdaang post niya sa social media.

Binigyan naman ito kahulugan ng mga fan na baka sign ito na mas loosen up lalo si Kathryn sa 2020 sa pagbabahagi ng kanyang mga picture, at puwede rin na magiging sexy na rin ang susunod pa niyang mga post sa 2020.

Well, ano nga ba ang dapat abangan sa aktres?

Samantala, wala pa namang comment o reaksyon ang boyfie na si DJ kaugnay sa sexy post ng kanyang girlfriend. Pinayagan na kaya si Kathryn mag-post ng ganoon? O wala na lang nagawa si DJ?

Anyway, nasundan pa ito ng mga photo ni Kathryn na nasa dagat siya at kasama niya ang isang batang babae, na hindi ako sure kung little sister niya, o pamangkin.

Pero, ang bongga nga dahil tuluyan na niyang inilantad ang kanyang legs. Yes, naka-one piece bikini nga si Kathryn, at kahit na nakaupo siya sa buhanginan sa tabi ng dagat, kitang-kita ang kagandahan ng kanyang katawan.

“Starting the decade right with this little munchkin,” caption ni Kathryn sa mga photo niya.

Well, mukha ngang mas bobongga nang bobongga ang career ni Kathryn ngayon, at mukhang mas marami siyang gagawin na ikabibigla nating lahat, ha! So, abang-abang na lang ang mga fan. (Dondon Sermino/Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/kathryn-nagpasabog-ng-kaseksihan-sa-palawan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi