Kathryn naispatan sa gimikan, inuman sa Katipunan

3 years ago 0 Comments

‘Nakita ko si Kathryn Bernardo sa isang food park sa Katipunan, gumigimik, may mga kasama na umiinom,” super excited na balita ng isang kaibigan ko na mahilig sa mga artista.

Nahiya raw siyang lumapit dahil marami raw itong kasamang mga kaibigan. Na again, iginiit niya na gumigimik nga sila.

At wala raw si Daniel Padilla sa paligid, ha! Meaning, solo lang na gumimik si Kathryn.

At ang nakakaloka pa, ipinakita niya sa akin ang super long shot na kuha niya sa grupo nina Kathryn, na yes may mga kasama nga itong kaibigan, at sa table nila ay may mga ‘drinks’ na nakakalasing.

Pero, bago pa nga mapunta sa kung saan ang chika niya, sinopla ko na agad, na oo, nasa food park nga si Kathryn, pero hindi para makipag-inuman, ha! Na oo nga, kahit umiinom ang mga kaibigan niya, na hello, puro mature na rin naman, nandu’n talaga si Kathryn para sumuporta sa isang matalik na kaibigan.

Yes, sinuportahan nga ni Kathryn ang presscon, cum special screening ng digital movie na “Manilennials”, na mapapanood sa iWant, na bida nga si Ria Atayde, kasama sina Nicco Manalo, Chai Fonacier, Mela Habijan, Fifth Solomon.

Katunayan, bukod kay Kathryn, sumuporta rin kay Ria ang kapatid niyang si Arjo Atayde, minus Maine Mendoza, siyempre, dahil isang kaibigang lalaki ang kasama niya. Tahimik lang na nagmamasid sa isang sulok si Arjo.

At si Kathryn, napaka-low profile lang niya, na nakaupo lang sa isang tabi, nakikipagkuwentuhan sa kaibigan, habang nakatingin lang kay Ria na nasa gitna ng venue, at ini-interview ng mga showbiz press, at vloggers.

Ganyan makipagkaibigan si Kathryn, ha! Ang bongga niya, at hindi niya iniisip kung gaano siya kalaking artista.

Naku, ang daming sikat na artista na dahil super sikat nga sila, hindi sila basta-basta mabitbit ng mga kaibigan nilang artista sa kung saan-saang lugar lang, ha!

Eh, ang food park na ‘yon sa kanto ng Katipunan, dinadayo talaga ng mga millennial, umiinom, kumakain, at yes, hindi siya air-con, kaya dapat may bitbit kang pamaypay.

Pero, dedma si Kathryn sa ganu’ng aspeto, dahil para sa kanya, mas maganda na madamayan niya ang mga matatalik niyang kaibigan sa mga oras na kailangan siya ng mga ito.

Anyway, isang kikay, perky, at social media savy nga ang role ni Ria sa “Manilennials”. Na siya nga si Missy, na kahit maganda naman ay tila sobrang insecure sa kanyang itsura.

Pero siyempre, batbat din siya ng problema, dahil ang kanyang nanay ay hindi niya makasundo. Hindi nga siya maka-move on sa pagkamatay ng kanyang ama.

Source From:https://www.abante.com.ph/kathryn-naispatan-sa-gimikan-inuman-sa-katipunan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi