Kawhi, Paul nagsanib sa Clippers LAKERS NGANGA!

4 years ago 0 Comments

HINDI lang isa, kundi dalawang superstar ang lilipat sa Los Angeles, hindi sa Lakers, kundi sa Clippers sa 2019-2020 NBA season.

Tinapos na ni Kawhi Leonard­ ang paghihintay ng lahat nang magdesisyon kahapon na iwan ang Toronto Raptors matapos ibigay ang unang NBA crown nitong nagdaang buwan upang lumipat sa Clippers kasama si Paul George na na-trade naman mula sa Oklahoma City Thunder.

Ayon sa report ng Yahoo Sports, ober da bakod ang two-time NBA Finals MVP sa Los Angeles Clippers, na tubong Southern California.

Hindi pa inilalabas ang kumpletong detalye ng kontratang sinang-ayunan ni Leonard, ngunit inaasahan na max contract deal ang ibibigay dito.
Nangyari ang paglipat matapos mapagkampeon ni Leonard ang Raptors sa una nitong season sa team, nag-average ng 26.6 points, 7. 3 rebounds at 3.3 assists para sa Toronto.

Iiwan ni Leonard ang Raptors sa kamay nina Pascal Siakam at Serge Ibaka, samantalang bigo naman ang Lakers­ na mabuo ang inaasam na ‘Big Three’ kasama sina LeBron James at Anthony Davis.

Ayon naman kay ESPN insider Adrian Wojnarowski, lipat din sa Clippers si Paul George, napapayag sa trade ang Oklahoma City Thunder. (RP

Source From:https://www.abante.com.ph/kawhi-paul-nagsanib-sa-clippers-lakers-nganga.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi