Kaya di tinatawagan ni Digong! Buhay ng mga Pinoy kasi…

3 years ago 0 Comments

Inamin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na matagal na siyang walang komunikasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Suspetsa ni dela Rosa, maaaring hindi siya kailangan ng Pangulo ngayon dahil prayoridad ang mga opisyal na nagbibigay ng update at payo sa magiging diskarte sa paglaban sa coronavirus pandemic.

Biro ng senador, buhay ng mga Pilipino kasi ang pinag-uusapan kaya out muna siya sa usaping ito.

“Sabi siguro ng pangulo kung ang hinahanap nya ay nagpapagaling ng buhay hindi niya kailangan si Bato dahil ‘di naman doktor si Bato.”ayon sa senador.

“Kung hinahanap nya magkikitil ng buhay, biro lang. kung hanap nya ay hanap buhay di nya kailangan pero kung hanap nya ay hanap patay baka kailangan nya ako.” biro ni dela Rosa.

Source From:https://www.abante.com.ph/kaya-di-tinatawagan-ni-digong-buhay-ng-mga-pinoy-kasi-nakasalalay-bato.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi