Kaya nagpakamatay: Korean actress pinilit makipagtalik?

3 years ago 0 Comments

Nag-panic ang mga fan ng K-Drama sa kumalat sa social media na note umano ng aktres na si Jang Ja-Yeon na sumikat sa teleseryeng “Boys Over Flowers” noong 2006. Gumanap siya bilang “Sunny” na kon­trabida kay Jandi na si Ku Hye Sun sa totoong buhay.

Matatandaang pumanaw ang aktres noong ika-7 ng Marso 2009 at ayon sa inisyal na imbestigasyon, nag-suicide raw ito.

Ngayon naman ay lumalabas na ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay ay ang depresyon. Ang nagdulot umano ng depresyon sa aktres ay ang alegasyon na siya ay pinilit daw na makipagtalik sa mga prominenteng tao sa industriya ng Korean Entertainment.

Nalaman daw ang isyu na iyan dahil natagpuan umano ang 7-page suicide note ng aktres na naglalaman ng mga dahilan kung bakit siya may depresyon.

Labis na ikinadismaya at kinalungkot ng mga fan ang balitang kumalat. Hindi makapaniwala ang mga fan na mayroon palang nangyayaring ganoon sa Korean Entertainment.

Source From:https://www.abante.com.ph/kaya-nagpakamatay-korean-actress-pinilit-makipagtalik.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi