Nangangamba na rin si KC Concepcion sa lockdown sa St. Luke’s Q.C. at Medical City sa mga magpu-positibo pa sa COVID-19. Sa official statement ng dalawang malalaking ospital na hindi na sila tatanggap pa ng mga pasyenteng may COVID-19, isa si KC sa mga naga-alala sa kapakanan ng mga infected ng virus.
Sa panawagan niya sa kanyang tweet, nakiusap siyang gawan ng paraan ng gobyerno ang paghahanap ng lugar para sa mga hindi na tatanggapin pa sa mga nabanggit na ospital at sa iba pang pagamutan sa Metro Manila, kaugnay sa lumulubo pang bilang ng coronavirus infected na mga tao.
Sana raw ay may mahanap na lugar na may ICU level equipment na katulad sa mga malalaking ospital.
Sa tweet naman ni Senator Angara, nabanggit niya ang Coconut Palace at PICC na posibleng gamiting lugar para sa mga COVID-19 na mga pasyente.
Ang problema nga lang, kulang sa ICU equipment ang Pilipinas at unti-unti nangang nalalagas ang mga medical frontliner na gumagamot sa mga pasyente.
Isa na lang ang paraan, at ito raw ay ang humingi ng tulong sa China ang gobyerno para magpadala ng mga medical equipments at frontliner. (Rey Pumaloy)
Source From:https://www.abante.com.ph/kc-concepcion-naalarma-sa-hakbang-ng-st-lukes-medical-city.htm