KC proud na kasing taba ni Karla, kamukha ni K Brosas

3 years ago 0 Comments

K Brosas o Karla Estrada? Sino nga ba ang kamukha ni KC Concepcion?

Una ay nakumpara ito kay Momshie Karla noong nag-post ito ng kanyang pasabog sa swimsuit picture.

Tila nasa gitna ng compliment at panghuhusga (dahil sa hubog ng katawan) ito, pero mas tining­nan nalang ni KC ang positive side nito.

Sunod naman ay may nag-comment na akala raw niya ay si K Brosas ang nasa litrato sa unang tingin with confused and peace sign emoji pa roon sa picture ni KC by the beach.

“Nong una sabi niyo kamukha ko si Karla Estrada. Ngayon naman si K Brosas. Buti na lang at umaapaw sila sa ganda at mahal ko silang dalawa! Hi tita and teh @karlaestrada1121 @kbrosas,” say ni KC.

Agad namang nag-reply si K at sumang-ayon sa sinabi ni KC. Hindi ‘yan ang unang beses na may pumuna sa post ni KC, madalas talaga siyang naba-bash at hindi rin talaga nito napipigilang sumagot dahil sa pagiging triggered nito.

Hindi na rin naitanggi ng aktres ang pagkapagod o stress niya sa mga netizen na walang ibang ginawa kundi puntiryahin ang mga post niya.

Sinang-ayunan niya ang comment ng isang fan na nagsasabing marami raw toxic na tao sa comment section ng kanyang mga post.

“Ay grabe totoo!! nakakapagod,” sagot ni KC. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/kc-proud-na-kasing-taba-ni-karla-kamukha-ni-k-brosas.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi