Klase sa Agosto ‘di face to face ‘pag walang…

3 years ago 0 Comments

Hinayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nitong panatilihin ang suspensiyon ng klase sa buong bansa hangga’t walang nakikitang bakuna laban sa coronavirus.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na wala umanong silbi ang pagbubukas ng klase kung wala pang bakuna sa naturang viral disease, aniya, “I will not allow the opening of classes na magdikit-dikit ang mga bata.”

“Bahala na hindi na makatapos. For this generation, wala na makatapos na doctor pati engineer. Wala ng aral, laro na lang, unless I’m sure that they are safe… Para sa akin bakuna muna. Pag nandiyan na ang bakuna, okay na,” dagdag nito.

Una nang tinakda ng Department of Education (DepEd) na sa Agosto 24, 2020 ang pagbubukas ng klase para sa 2020 hanggang 2021 school year.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na tuloy ang paghahanda para sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24. Pero magbubukas lamang ng face to face kung meron nang new normal.

Ito umano ay kung wala nang community quarantine na umiiral. Pero hindi ibig sabihin ay wala nang eskuwelahan. Magpapatupad umano ng DepEd ng blended learning o gagamitin dito ang computer, telebisyon, at radio para magpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante. (Prince Golez/Aileen Taliping)

Source From:https://www.abante.com.ph/klase-sa-agosto-di-face-to-face-pag-walang-bakuna-roque.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi