Koko nagmatigas sa pagmanok sa JoyRide Durugin N’yo Pa Ako!

3 years ago 0 Comments

NAGMATIGAS si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na wala siyang ginawang mali sa pag-endorso ng JoyRide sa Department of Transportation (DOTr) para mapabilang sa extended pilot test ng mga motorcycle taxi.

Ayon kay Pimentel, inendorso niya ang JoyRide sa DOTr upang mabasag ang monopolyo ng Angkas sa motorcycle taxi.

“Hindi ko maintindihan kung bakit sila nagrereklamo,” diin ng senador sa interview ni Cely Bueno ng himpilang DWIZ.
“Hindi talaga pupuwedeng iisang company lang,” dagdag pa niya.
Binanggit pa ng 1990 Bar topnotcher na hindi labag sa batas ang pag-endorso niya sa JoyRide, kasabay ng pagsasabing marami na siyang tinulungang magpaendorso.
“Ginawa na ‘yan sa napakaraming okasyon,” sambit pa ng senador.

Noong Biyernes ay kinastigo ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) ang ginawang pag-endorso ni Pimentel sa JoyRide.

Sabi ni Trixie Mangahas ng LCSP, nilabag ni Pimentel ang Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Suspetsa ni Pimentel, ang kampo ng Angkas ang nagpopondo para siya’y banatan sa social media.

“Nagtataka nga ako… bakit magwawala ‘yung original participant sa pilot testing?” ani ni Pimentel. “May mga volunteer lawyer pang sumulpot.”

Nagyabang pa ang mambabatas na kahit araw-arawin ang pagdurog sa kanya ay walang mangyayari rito dahil bawal talaga ang monopolyo ng Angkas.

“Kahit na banatan ako araw-araw hindi magbabago ang rule natin na bawal ang monopoly,” diin ng senador.

Sinabi pa ni Pimentel na handa rin siyang iendorso ang iba pang karibal ng Angkas, JoyRide at Move It kung lumapit lang ang mga ito sa kanya.

Napaulat na malakas ang kapit sa gobyerno ng JoyRide kaya napasama ito sa extension ng pilot test. Dito lumutang ang pangalan nina Senador Bong Go na itinanggi naman ng senador.

Naungkat din ang pangalan ng asawa ni Pimentel na si Katrina Yu-Pimentel pero pinabulaanan ni Sherwin Yu, presidente ng JoyRide, na kamag-anak niya ang asawa ng senador.

Samantala, kinampihan naman ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III si Pimentel sa pagsasabing wala namang ginawang mali ang senador.

Naniniwala din si Sotto na hindi maaaring gamiting basehan ang pag-endorso sa JoyRide para makasuhan si Pimentel sa Senate committee on ethics.

“Bakit? Hindi naman bawal ‘yun ah,” sabi ng senador na da­ting chairman ng ethics committee.

Source From:https://www.abante.com.ph/koko-nagmatigas-sa-pagmanok-sa-joyride-durugin-nyo-pa-ako.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi