Komedyante bagong Ukraine President

4 years ago 0 Comments

WAGI ang komedyanteng si Volodymyr Zelenskiy sa katatapos na presidential election sa Ukraine kahapon, Abril 21.

Ang panalo ni Zelenskiy ay agad na nakita sa dalawang national exit polls kung saan ay nakakuha si Zelenskiy ng 73 porsiyentong boto kumpara sa katunggaling si Petro Poroshenko na 25 porsiyento.

Bago sumabak sa halalan ay gumaganap si Ze­lenskiy bilang Ukraine president sa ilang popular na TV series.

Matapos na ideklarang wagi sa halalan ay nangako si Zelenskiy sa kanyang mga tagasuporta hindi niya bibiguin ang mga ito.

“I’m not yet officially the president, but as a citizen of Ukraine, I can say to all countries in the post-Soviet Union look at us. Anything is possible,” bahagi ng mensahe ni Zelenskiy.

Source From:https://www.abante.com.ph/komedyante-bagong-ukraine-president.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi