Kompanya umayuda sa gobyerno laban sa COVID-19

3 years ago 0 Comments

Namahagi ang Metro Pacific Investments Corp (MPIC) kasama ang mga kompanya nito at Foundations (MVP Group) ng milyon-pisong halaga ng mga virus specimen collection kits, Hazman suits, gamot, pagkain at alcohol, face masks, suplay ng tubig, at serbisyong transportasyon para mga medical frontliners.

Patuloy na nalalagay sa panganib ang buhay ng mga manggagawang medikal sa coronavirus disease 2019 dahil sa kakulangan ng tamang dami ng suplay ng personal protective equipment (PPE), gayudin din ang mabilis na pagdami ng mga kompirmadong dinapuan ng coronavirus.

Sa pagsisimula pa lamang ng linggong ito, may mga pangamba na ang kasalukuyang suplay ng PPE sa humigit kumulang na 60 pribado at pampublikong pagamutan sa rehiyon ay sapat lamang para sa isang linggo kung hindi ito mapapalitan ng panibagong stock na magmumula sa pribadong sektor.

Tumalima sa panawagan ni Pangulong Duterte ang mga kompanya ng MPIC katulad sa pamamagitan ng pagmomobilisa at pagbibigay ayudang aabot sa halos P200 milyong suporta para sa mga munisipyo, departamento ng gobyerno, at mga pagamutan sa buong bansa.

Nagmobilisa rin ang MPIC ng isang malawakang programang nakatuon para sa pagkalinga sa libo-libong empleyado nito na nakatalaga sa mga proyektong inprastraktura ng kompanya sa buong bansa.

Namahagi din ang MPIC sa mga empleyado nito ng mga pangkalusugan kagamitan kagaya ng masks at health kits, kasama na ang pagbibigay sa kanila ng paunang bayad ng kanilang mid-year bonus habang ipinapatupad ng pamahalaan ang lockdown mula Marso 15 hanggang April 12, 2020.

Source From:https://www.abante.com.ph/kompanya-umayuda-sa-gobyerno-laban-sa-covid-19.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi