May ibinulong na naman ang bubwit. Ewan ko ba rito, malapit nang mag-holy week pero ayaw pa ring tumigil sa kachi-chismis.
Sa mga laging tutok na tutok sa radyo, napansin ninyo sigurong hindi muna sumahimpapawid ang nangungunang istasyon sa buong bansa nitong Miyerkules ng gabi. Ang dahilan – kailangang i-sanitize ang radio booth.
Nitong weekend, nagprograma sa naturang radio station si DILG Secretary Eduardo Año na kumpirmadong positibo sa COVID-19. Sabi ng buwit, ‘good move’ ito lalo pa’t safety ng mga empleyado ang primary consideration ng naturang istasyon.
Sa isip daw ng management, di bale nang hindi umere – ang importante, masigurong malusog ang mga staff. Ang chicka pa ng bubwit, pina-check-up lahat ng empleyado at program staff na nakasalamuha ni Año. Mabait talaga ang kumpanya. Sagot pa ang hotel ng mga empleyado. Kaya hindi raw muna kinailangang umuwi sa kanilang mga bahay. Aba siyempre, delikado, paano kung carrier na pala sila ng virus? Ang galing! Tuwang-tuwa ang bubwit.
Ang saya raw isiping may kumpanya pa ring gaya nito na totoong may puso sa mga empleyado. ‘Yun kasing naunang chika ng bubwit tungkol doon sa isang network, ayun nganga pa rin ang mga empleyado. Teka lang – may dagdag na ibinulong ang bubwit. ‘Yun pa lang PUI o Patient Under Investigation na top executive ng news department ng isa ring kilalang network, nag-positive na ngayon sa COVID-19.
Okay lang namang hindi isapubliko dahil karapatan ng pasyente iyon. Pero sabi ng bubwit, mali na hindi raw ipinapaalam sa loob ng network ang health condition ng naturang boss. E paano nga naman ang ibang nakasalumuha ng boss na ‘yon, aba e di kawawa naman.
Ibang klase talaga ang naturang network. Sa kanila rin may isang nag-COVID-19 positive na isang talent. Ang tanong, nag-santize kaya sila? Himutok ng bubwit, di raw talaga ‘afford’ ng management na hindi umere. Pera-pera pa rin ang issue sa gitna ng banta ng nakamamatay na virus. Haaay, kawawa naman sila. (END)
Source From:https://www.abante.com.ph/kompanya-walang-puso-sa-mga-empleyado.htm