Kooperatiba suportahan, palaguin

4 years ago 0 Comments

Ipinagdiriwang po ngayong unang linggo ng Hulyo ang ika-97 International Day of Cooperatives na may temang ‘Coops for Decent Work.’

Malaki po ang papel na ginagampanan ng ating mga kooperatiba sa paglikha ng trabaho, pag-aangat ng dignidad ng ating mga manggagawa at pagsusulong ng kabuhayan lalo na sa mga kanayunan.

Tinatayang aabot sa 279 milyong manggagawa sa buong mundo ang nabibigyan ng trabaho ng mga kooperatiba o katumbas ng 10% ng lakas-paggawa ng mundo.

Kung tutuusin, napakaliit po ng 10% na ito dahil ang koo­peratiba na po siguro ang maituturing nating pinakademokratiko at pro-poor sa lahat ng mga uri ng business organizations.

Matibay din po ang social responsibility sa istruktura ng koopera­tiba dahil ang pangunahing consumer, kliyente, tagatangkilik, o suki ay mga miyembro rin nito.

Habang tinutugunan ang mga kinakailangang produkto at serbisyo ng mga miyembro nito, ibinabalik din naman po ng kooperatiba sa mga miyembro ang ibinayad sa mga produkto at serbisyong kanilang pinakinabangan bilang kitang pinaghahati-hatian.

Ibig sabihin, habang umuunlad po ang kooperatiba ay umuunlad din ang kabuhayan ng mga miyembro nito, sapagkat ang kita ng kooperatiba ay kita rin para sa kanyang mga miyembro.

Pinatutunayan din po ng mga pag-aaral ang higit na pagiging sustainable ng mga kooperatiba at katatagan ng mga trabaho dito kumpara sa ibang mga sektor.

Mas maliit din po ang puwang ng kita o income gap sa pagitan ng mga manggagawang nasa mababa at ng mga manggagawang nasa mataas na posisyon sa isang kooperatiba.

Kaya’t maaasahan po ang mga kooperatiba sa pag-aalaga sa ating mga maliliit na magsasaka, mangingisda at maging sa mga maralitang taga-lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa pagmemerkado, pagpapautang, skills training at maging ang pagbibigay ng mga scholarship assistance.

Malinaw po sa ating Batas Kooperatiba o Republic 9520 na dapat suportahan at palaguin ng estado ang mga kooperatibang tulad ng credit, marketing, producer, electric, at service cooperatives.

Sa pagbubukas ng 18th Congress, magsusulong po tayo ng mga panukalang batas na lalong magpapadami, magpapasigla at magpapalago ng ating mga kooperatiba at magbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Job Fair Schedule:

PESO Batangas Pro­vince—Provincial Capitol, Batangas City—July 1

9th Mannalon Festival Job Fair—Municipal Compund, Cordon, Isabela—July 2

Araw ng Roxas Job Fair—Roxas Arts, Culture and Sports Complex Astrodome—Ro­xas, Isabela—July 3

(senatorjoelvilla­[email protected])

Source From:https://www.abante.com.ph/kooperatiba-suportahan-palaguin.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi