Kyline gustong maging Nora Aunor

4 years ago 0 Comments

Sigurado na si Kyline Alcantara nang tanungin namin kung ano ang ultimate dream niya sa showbiz career niya.

Sobrang sipag kasi ni Kyline at dedma lang ito kung hindi man siya magkaroon ng bakasyon tulad ngayong Holy Week dahil biglang pumasok ang shooting schedule niya ng pelikulang Black Lipstick.

At sa magkahalong ta­lento at sipag, mukhang may chance naman na ma-achieve niya ang pangarap.

“I just want to be successful. Kapag tinatanong nila ako, ano ang success, I just want to be happy. As an actress, siguro kapag nakuha ko ang Nora Aunor level.”

Gusto raw niyang maging Superstar na at the same time ay respetado. Parehong Bico­lana sina Kyline at Ate Guy kaya hindi kataka-takang ito ang peg o idolo niya.

Masyadong mature magsalita at mag-isip si Kyline kahit noong mas bata-bata pa siya, although at 16, ibang level of maturity talaga ang pinapakita niya.

Natatawa ito nang muli naming hiritan kung talagang age niya ba yun o nagpapa-bata lang siya tulad ng iba.

“Hahaha! Hindi po, 16 po talaga ko. Actually, ang dami po talagang nagtatanong. Sinasabihan nila ko, siguro screen age mo lang ‘yan. Hindi ka talaga 16.”

Hindi rin daw siya napi-pressure na parang iniisip ng iba na nagpapa-mature na siya dahil ganu’n naman daw talaga siya, wala raw siyang ipinu-pu­t-on or anything.

Sabi pa ni Kyline, na-enjoy naman daw niya ang childhood niya, nakapag­laro siya sa labas at hindi nga lang daw siya katulad ng ibang girly-girly, mas boyish daw siya kaya instead na bahay-bahayan, mas feel niya noon ang baril-barilan.

“Actually po, kung hindi po ako nag-artista, gusto ko pong maging soldier.”
Sa ngayon, enjoy raw si Kyline sa afternoon prime nila sa GMA-7 na Inagaw na Bituin na pangatlo na sa pang-hapong serye ang time slot. Simula kahapon ay nauna na ang Dragon Lady, Bihag at ang Inagaw na Bituin. (Rose Garcia)

Source From:https://www.abante.com.ph/kyline-gustong-maging-nora-aunor.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi