La Greta masayang-masaya sa party ng kaibigan

3 years ago 0 Comments

Pansamantalang ‘disabled’ ngayon ang comment section ng Instagram account ni Gretchen Barretto, at sinasala lang ang mga positive remarks sa kanyang mga post.

Posibleng para maiwasan ng controversial actress ang mausisa at ma-bash kaugnay sa naging eksena raw nila ng kanyang kapatid na si Marjorie Barretto sa wake ng kanilang ama.

Maaari ring ayaw mahusgahan at makuwestyon ni Gretchen sa posting niya na nakikipag-party sa engagement ng kanyang kaibigan.

Makikitang nakikipagsaya pa si Gretchen sa okasyon kasama ang kanyang live-in partner na si Tony Boy Cojuangco. Pero mapapansin na nakadamit ng black si Gretchen tanda ng pagluluksa nito sa namatay na ama.

Anak ni Albert ikinasal na

Isa na namang anak ni Albert Martinez ang ikinasal kamakailan lang at ito ay si Alissa Martinez. Naka-post sa Instagram wall ng veteran actor ang video ng paghahatid nito sa anak, sa altar sa isang simbahang hindi na sinabi pa sa post.

Malalamang intimate at piling-pili lang ang mga bisitang dumalo sa kasalan dahil sa nalantad na mga bakanteng upuan sa loob ng church.

Emosyonal si Alissa na lumalakad patungong altar. Napapayuko ito habang lumalakad.

Nag-post rin si Albert ng throwback photo ng anak noong ito ay bata pa.

Noong nakaraang linggo lang yumao ang veteran movie queen na si Amalia Fuentes, kaya hindi na nito na-witness ang kasal nito.

Jennica ipinagtanggol ang mga Grab driver

Ipinagtanggol ni Jennica Garcia Uytingco ang mga Grab driver sa posting nito ng larawan na hawak-hawak niya ang kanyang anak habang nakaupo sa isang service ride nito.

Nanawagan si Jennica sa post na ito na irespeto at intindihin din ang mga Grab driver sa maliit lang naman na pagkakamali ng mga ito.

Hindi porke binabayaran ang mga ito, may karapatan nang laitin, sungitan at imaltrato ang mga ito, gayong may mga negligence rin ang mga pasaherong nagpapahintay nang matagal.

Patuloy pa ni Jennica, hindi madaling trabaho ang maging driver lalo’t nakabilad sila sa trapik araw-araw. Hindi lang isa o dalawa ang natatanggap na mga reklamo ng mga ito na naire-report sa main control.

Walang kakayahang makapagpaliwanag sa takot na mawalan ng trabaho, kaya kahit may punto sila sa pagtatanggol sa kanilang sarili, hindi na sila nagsasalita.

Hindi paid advertisement ang panawagan ni Jennica dahil wala namang hashtag ang post nito.

“Basic etiquette” para sa mga Grab passenger ang laman ng post ni Jennica.

Rodjun, Dianne nagpasilip ng ‘abs’, ‘boobs’ sa pre-nup

Kasado na ang December 21, 2019 wedding nina Dianne Medina at Rodjun Cruz na masisilip sa pre-nuptial shoot nila na ginawa sa Capadocia, Turkey.

Mukhang engrande at pinaghandaan nang husto ng magkasintahan ang kanilang kasal dahil gumastos pa sila sa Turkey para lang sa pre-nup shoot na ito.

Nagmukhang mayaman at international artists ang dalawa sa shoot na animo’y teaser ng isang lalabas na pelikula. Sa pasilip video ng pre-nup, hindi pa rin nawala ang pa-abs ni Rodjun na madalas niyang ginagawa sa kanyang mga IG post at eksena sa mga teleserye niya sa GMA-7.

Sa video shoot na ito lumabas ang kaseksihan ni Dianne na walang takot na inilantad ang halos kalahati ng kanyang dibdib, sa pa-cleavage nito.

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi