Lacson napundi sa mga delayed flight

4 years ago 0 Comments

SUMABOG ang galit ni Senador Panfilo Lacson sa isang airline company matapos itong mabiktima ng delayed flight sa dalawang magkasunod na araw nitong Abril.

Sa kanyang tweet nitong Miyerkoles, binanggit nito na pinaghintay niya ng mahabang oras para lamang makasakay ng Manila Cebu flight noong Abril 1 at pabalik noong Abril 2.

“What’s happening? 01 Apr… Mnl-Cebu: flying time – 1 hr; waiting time – 4 hrs 15 mins 02 Apr… Cebu-Mnl: flying time – 1 hr; waiting time – 3 hrs 20 mins,” tweet ni Lacson.

Hindi binanggit ni Lacson kung anong airline ang kanyang nirereklamo kaya’t nanghula ang mga netizen na ito ay ang Cebu Pacific o Philippine Airlines.

“If this is CebuPac, you can see their OTP last year which is bad for an Airline. It is also ranked No.7 in the world’s least punctual Airlines.

They continue to do this because of lack of strong competition. Maybe it’s time for a new Airline to fly that is sensitive to passengers,” komento ng isang Alexander Acain.

“Me delayed for 4 hours then flight got cancelled . Following day flight was delayed for 7 hours . Laoa­g to Manila PAL,” pagbabahagi naman ng isang netizen sa naranasan niya sa PAL.

Nilinaw naman ni Lacson sa isa pang tweet na hindi siya nagrereklamo dahil nakaabot naman siya sa kanyang appointment, kundi nagrereklamo siya sa ilang libong pasahero na palaging nabibiktima ng mga delayed flight.

Kinausap naman ni Cielo Villaluna, tagapagsa­lita ng PAL, si Lacson at humingi ng paumanhin sa naranasang flight delay.

“The delay of his Manila to Cebu was due to the fact that the original aircraft assigned to his flight was grounded and the replacement aircraft had a delayed arrival in Manila due to air traffic congestion. The Cebu to Manila flight experienced delays due to technical reasons,” ayon sa statement ni Villaluna.

“We apologize to passengers inconvenienced by these delays caused by both internal and external factors,” dagdag pa niya.

Source From:https://www.abante.com.ph/lacson-napundi-sa-mga-delayed-flight.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi