Lahat ng kitaan pinakyaw!

4 years ago 0 Comments

By JC Cahinhinan

SINAMPAHAN ni Jefrey Cabigon si dating spea­ker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, ng kasong plunder mula sa mga iligal na transaksyon, kickbacks at kita na personal niyang nasaksihan sa dalawang taon na naging close-in security ng da­ting lider ng Kamara.

Sa complaint-affidavit na natanggap ng Ombudsman-Mindanao noong 6 Mayo 2019, pinagtibay ni Cabigon na personal siyang nautusan at nasaksihan ang pagkamal ng bilyong salapi ni Alvarez at ang chief of staff nito na si Edwin Ignacio Jubahib, mula 2016 hanggang 2019.

Reklamong kriminal at administratibo ang linatag ni Cabigon para sa plunder at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Ayon sa kanyang sworn affidavit, kasama dito ang mga sumusunod: 1) pagbili ng mga magarang sasakyan ng cash na umaabot sa P26 milyon; 2) 10 bullet proof pickups bilang komisyon ng mga kontratista; 3) pagbili ng mga lupa sa Panabo na naghahalaga ng P74 mil­yon; sa Samal na nagkakahalaga ng P500 milyon; sa Tagum na nagkakahalaga ng P20 milyon; 4) mga lupa sa Siargao na nagkakahalaga ng P500 milyon; 5) at iba pang mga lupain sa labas ng Davao del Norte.

Lumalabas na higit kumulang sa P10 bil­yon ang kabuuang pondong nagamit sa pagbili ng iba pang lupa sa Palawan, Cebu, Bohol, Compostela Valley, Davao City, Abra, Benguet, Ilocos, atbp. Lumalabas na kita ang mga lupaing ito sa mga insertion sa General Appropriations Act o GAA na inilagay ni Alvarez at pinarada sa iba’t ibang distrito na pina­boran ni Alvarez.

Isa sa mga insertion na ginawa ni Alvarez ay ang pagtatayo ng Tagum flyover na walang program of works, hindi dumaan sa NEDA o sa Regiona­l Development Council at bumulaga na lamang sa DPWH. Hinati-hati ni Alvarez ang insertion sa GAA sa limang phases. Nagsimula ito noong GAA 2017 na nagkakahalaga ng P2.6 bilyon pero by phase ito isiningit sa budget at ang pondo ay by tranches sa halagang P300 milyon bawat taon. Ang buong halaga dapat ay P2.6 bilyon sa apat na taon pero ngayon ito ay lumobo ng apat na bilyong piso para sa 1.6 kilometro lamang ang haba sa taas ng Davao-Agusan national highway.

Si Alvarez ay tumatakbo bilang kongresista sa Unang Distrito ng Davao del Norte samantalang si Jubahib ay tumatakbong gobernador sa lalawigan. Ang security aide na si Cabigon ay pinatakbo ni Alvarez noong nakaraang barangay elections kung saan ito ay natalo. Si Cabigon ay kasalukuyang nag-a-apply sa Witness Protection Program ng DOJ.

Minaliit naman ni Alvarez ang patong-patong na kasong kriminal at administratibo na isinampa ng dati niyang aide dahil sa umano’y iligal na pagkamal ng kongresista ng bilyong pisong halaga ng salapi at ari-arian mula 2016 hanggang sa taong kasalukuyan.

Sa isang Viber message na pinadala sa Abante, sinabi ni Alvarez na hindi siya umano nababahala sa isinampang kasong pandarambong at katiwalian ng kanyang dating tauhan na si Cabigon.

“I have not received the resolution but my lawye­r will attend to it as soon as we receive it. No­thing to worry,” saad ni Alvarez.

Source From:https://www.abante.com.ph/lahat-ng-kitaan-pinakyaw.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi