Lalaki, tinadtad ng kainuman gamit ang chainsaw

3 years ago 0 Comments

Patay ang isang 30-anyos na construction worker matapos tadtarin ng kainuman gamit ang isang chainsaw sa Barangay Bool East sa Culaba, Biliran, Linggo ng gabi.

Ayon sa pulisya, nakikipag-inuman ang biktimang si Eduardo Rosquites sa kaniyang tiyuhin na si Roger Paje at isa pang kasamahang kinilalang si Edgardo Cañete.

Dagdag ni Police Lieutenant Isidoro Ancero Jr., ang hepe ng Culaba police, nakatulog si Rosquites sa bahay ni Paje matapos ang inuman.

Kinuha umano ni Paje ang kaniyang chainsaw at tinadtad ang katawan ng natutulog na si Rosquites.

Nakatakbo palabas ng bahay si Cañete upang humingi ng saklolo.

Agad na rumesponde ang mga pulis at nahuli si Paje.

Ayon sa pulisya, isang chainsaw operator ang suspek. Giit naman ni Paje, inakala niyang nanaginip lamang siya nang ginawa niya ang krimen.

Sinampahan na ng kasong murder si Paje.

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/08/26/19/lalaki-tinadtad-ng-kainuman-gamit-ang-chainsaw

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi