HINDI umano maituturing na pangunahing suspek sa pagpatay sa dalagitang si Christine Silawan ang naarestong suspek sa Davao, ayon sa pulisya.
Ayon kay Superintendent Ma. Aurora Rayos, spokesperson ng Police Regional Office 7, hindi prime suspect sa kaso ng binalatang dalagita sa Lapu-Lapu City, Cebu ang nahuling si Jonas Bueno.
“He is not the prime suspect in the killing of Christine Silawan as far as our investigation is concerned,” sabi ni Rayos.
Si Bueno, 24-anyos ay dinakip sa Guadalupe, Barangay Matina Crossing, Davao City kaugnay ng pagpatay sa 60-anyos na magsasaka sa bayan ng Carmen, Cebu base sa arrest warrant na inilabas ni Judge Jerry B. Dicdican ng Danao City Cebu Regional Trial Court Branch 25.
“Bueno is a suspect in the Carmen case, if my memory serves me right. But I reiterate, he is not the prime suspect in Silawan case,” dagdag ni Rayos, pero nananatili umano itong ‘person of interest’.
Gayunman, sinabi nito na may lead na ang pulisya sa kaso ni Silawan bagama’t maingat sila sa pagbibiay ng impormasyon para hindi ‘masunog’ ang kanilang ginagawang imbestigasyon.
Source From:https://www.abante.com.ph/lalaking-inaresto-sa-davao-di-prime-suspect-sa-silawan-case.htm