Lalong lumaki ang boobs: Assunta de Rossi buntis na

3 years ago 0 Comments

Kahapon ng madaling araw ay ipinost na ni Assunta de Rossi sa kanyang social media accounts ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

“Wide awake. This has been my life even before quarantine started— just being in bed all day, feeling horrible. And before anyone asks why I look like I’m on my way to the afterlife, allow me to list down all the symptoms I’ve had to endure this past 2 months: (na nilagyan niya ng check bawat isa) Fatigue, Nausea, Tender, swollen breasts, Food aversions, Constipation, Dizziness, Heartburn.

“On March 5, 2020, I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years. Why? I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking! Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen.

“This was a miracle!(with two hearts and and praying hands emojis)

“Anyway, what scares me now is I’m already on my 14th week, and I haven’t gained an ounce of weight. Everything I eat goes to my tummy and (boobs and laughing face emojis).

“What about you? How’s quarantine been treating you? Comment down below with your boobie emoji. Charzzz!!! (with laughing face emoji) #MiracleBaby#14weekspregnant#Haggardo.”

#haggardo | Facebook
View about #haggardo on Facebook. Facebook gives people the power to share and makes the world more open and con…

Pagka-post ni Assunta sa kanyang social media accounts ay nag-usap kaming dalawa.

“Finally, pinost mo na, safe na ako, hindi ko ikinuwento kahit kanino na buntis ka!”

“Oo, puwede na, kasi nasa safe zone na ako. OK na na sabihin na buntis ako!” sabi ng semi-retired actress.

Actually, noong March 5 ko pa nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ni Assunta.

Ang mister niyang si former Congressman Jules Ledesma ang unang nagsabi sa akin.

“Alam mo na ba? I’m sure, nasabi na ni Sam (palayaw ng kanyang misis),” sey ni Jules sa akin nang magkatsikahan kami ng araw na ‘yon.

“Ano’ng ‘alam ko na’? Wala pang sinasabi sa akin si Sam,” sagot ko naman kay Jules at binuking na nga niya ang pagbubuntis ng kanyang misis.

Sobrang excited si Jules, pero secret nga raw muna.

Nang magkausap kami ni Assunta, ikinuwento na rin niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Sobrang tuwang-tuwa si Assunta sa magandang balitang ‘yon.

Pero nakapag-promise nga ako na hindi ko ikukuwento kahit kanino, kaya my lips are sealed!

“Sa ‘yo naman ako unang magpapainterbyu, sa Abante News Online show mo,” sabi niya sa akin that day, na nangyari na nga kahapon dahil nag-live interview ako sa kanya sa pamamagitan ng Skype sa Facebook page ng Abante News Online at sa Anything Goes with Jun Lalin YouTube channel.

Noong March 15 naman, pinuntahan ko si Assunta sa penthouse unit nila ni Jules sa isang condominium building sa BGC (Bonifacio Global City), Taguig City.

Tsika-tsika tungkol sa kanyang nararamdaman sa kanyang pagbubuntis at nagyaya pa siya sa Manila Polo Club para mag-snack.

“I’ll drive,” sabi niya at tinanong ko pa nga kung puwede pa ba siyang mag-drive na sinagot niya ng, “Oo naman, no problem!”

Habang nag-i-snack kami sa Manila Polo Club, ipinakita sa akin ni Assunta ang pictures ng ultrasound ng kanyang ipinagbubuntis.

Sobrang excited siya. Tuwang-tuwa ang misis ni Jules. Napakatagal din kasing panahon bago dumating ang pinakahihintay nila na pagbubuntis niya.

“Pagkatapos ng first trimester, puwede na ako magpainterbyu sa ‘yo,” sey ni Assunta.

At kahit ngayong ECQ (enhanced community quarantine) nga, araw-araw kong ka-message sa Viber si Assunta. Palagi ko rin siyang tinatawagan para kumustahin ang kanyang kalagayan.

Dahil nga sa COVID-19, hindi muna siya nakakapagpa-check-up sa kanyang OB-Gynecologist.

Sa tsikahan namin kahapon, sinabi ni Assunta na kapag natapos na ang lockdown, magpapa-check-up siya uli.

Nag-video call din kami ni Assunta dahil ipinakita niya sa akin ang kanyang tiyan.

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi