Langis bumuhos sa Quezon City

3 years ago 0 Comments

Nagkalat ang langis­ na karga ng isang sasakyan sa Congressional­ Avenue Extension papun­tang Luzon Avenue Quezon City, nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) Metrobase, inaalam pa nila kung anong klaseng sasakyan ang may dala ng langis.

Nirespondehan ng fire truck ng MMDA ang aksidente. Mahigit isang oras bago naalis sa lugar ang mga sasakyan at ang nagkalat na langis.

Ayon sa MMDA, may naiulat na mga minor injury dahil sa mga nadulas na sasakyan bunsod ng oil spill kung saan karamihan ay mga motorsiklo.

Dahil sa insidente ay nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar. (Dolly Cabreza)

Source From:https://www.abante.com.ph/langis-bumuhos-sa-quezon-city.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi