Larawan ng mga bangkay nina Kobe, Gianna kinakalat

3 years ago 0 Comments

INIREKLAMO sa Los Angeles County Sheriff Department ang isa nilang kasamahan na nagpapakita umano ng larawan sa crash site kung saan nangyari ang pagbagsak ng helicopter sakay si Kobe Bryant at anak niyang si Gianna.

Sa report ng Times, sinabi ng sheriff’s department na kanila nang iniimbestigahan ang nasabing insidente base na rin sa reklamo ng isang concerned citizen.

Ayon sa TMZ, isang deputy ang tinitingnang salarin sa pagpapakalat ng larawan dahil sinubukan umano nito na magpa-impress sa isang babae kung kaya’t pinakita ang maselang larawan sa crash site.

Narinig umano ng bartender ng bar ang sinabi ng deputy dahilan para magsampa ito ng reklamo laban sa deputy.

Nangyari ang insidente ng pagpapakalat ng lara­wan ilang araw matapos ang pagkasawi nila Bryant at walong iba pa, ngunit alam na umano ng awtoridad tatlong linggo na ang nakalilipas. (Ray Mark Patriarca)

Source From:https://www.abante.com.ph/larawan-ng-mga-bangkay-nina-kobe-gianna-kinakalat.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi