Lee, Barroca, Magnolia tatapusin na ang SMB

4 years ago 0 Comments

By Vladi Eduarte

Finals Game 6 ngayon:­
(Smart Araneta Coli­seum)
6:30pm — Magnolia vs. SMB
(Hotshots lead series 3-2)

DALAWANG tsansa ang nasa Magnolia para tapusin ang paghahari ng San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup – una sa Game 6 ng Finals mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Itinakas ng Hotshots ang 88-86 squeaker noong Biyernes sa Game 5 na binulabog ng lalaking naka-Spider-Man costume na nagtatakbo sa court 3 minutes sa laro.

Pumeke si Mark Barroca sa sulok, lipad­ si Christian Standhardinger. Naka-isang dribble pa si Barroca bago bumitaw sabay sa buzzer habang parating­ si Matt Ganuelas-Rosser.­

Net lang ang sumalo sa pang-22nd point ni Barroca sa laro, at lumamang ang Magnolia sa series 3-2.

Umayuda si Ian Sangalang ng double-double na 18 points at 14 rebounds, may 8 points at 10 boards si Rafi Reavis. Nagsumite si Paul Lee ng 12 markers bago naupo sa dulo dahil sa nabugbog na balikat.

Source From:https://www.abante.com.ph/lee-barroca-magnolia-tatapusin-na-ang-smb.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi