Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong libelo ni Gretchen Fullido laban kay Kapamilya anchor Ces Drilon.
January 27, 2019 nang lagdaan ang desisyong pabor kay Drilon ng Quezon City Assistant City Prosecutor na si Arceli Ragsac.
Si Drilon ay sinampahan ng kasong libelo dahil umano sa pagbibigay ng opinyon sa sexual harassment case ni Fullido laban sa dala-wang news executive ng ABS-CBN.
“In our point of view, the person who executed the same is merely stating her opinion or observation. Also, relaying to another person words which you previously heard is not defamatory and malicious,” ang resolusyon sa reklamo laban kay Drilon.
Nag-file dati si Gretchen ng habla laban sa dating “TV Patrol” supervising producer na si Cheryl Favila at segment producer na si Maricar Asprec at inakusahan ng pang-aabuso bilang boss para magpadala ng “sexually loaded” texts na tila nangangahulugan na magbigay si Gretchen ng “sexual favors.”
Ayon sa management ng ABS-CBN, napatunayang may pananagutan si Favila sa gross misconduct na nagawa nito kay Gretchen dahilan ng pagkakatanggal nito sa kompanya. Samantala, na-dismiss ang kasong sexual harassment na isinampa ni Gretchen laban sa kanya. (Athena Yap)
Source From:https://www.abante.com.ph/libel-case-ni-gretchen-vs-ces-binasura.htm