Lider ng Mamerto gun-for-hire sa Pangasinan, dedbol

4 years ago 0 Comments

By Allan Bergonia

PATAY ang umano’y lider ng isang gun-for-hire syndicate na nag-o-operate sa ikalima at ikaanim na distrito ng Pangasinan matapos itong makipagbarilan sa mga pulis habang nasa aktong ibibigay ang search warrant sa Sitio Bugarin, Brgy. Cal-litang sa Sta. Maria, Pangasinan kamakailan.

Kinilala ng Sta. Maria Police Station ang suspek na si Verson Mamerto,­ alyas ‘Jong’, isa sa mga lider ng ‘Mamer­to gun-for-hire group’ at siya ang itinuturong pumatay sa barangay chairman ng San Quintin noong 2016.

Sa imbestigasyon, nakatakdang ibigay ng miyembro ng Provincial Intelligence Branch ng Police Regional Office 1 ang search warrant na ibi­naba ni Judge Marvin Jovito Samadan, Burgos Regional Trial Court, Branch 70, laban kay Mamerto sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Habang papalapit umano ang pulis sa pangunguna ni P/Lt. Col. Jackie Candelario at ng SMPS, nakatunog umano ang suspek na mga pulis ang mga ito kung kaya’t nagpa­kawala agad siya ng putok ng baril sa mga pulis.

Napag-alaman na si Mamerto ang sangkot din umano sa illegal drug trade at isang high value target ng Pangasinan.

Source From:https://www.abante.com.ph/lider-ng-mamerto-gun-for-hire-sa-pangasinan-dedbol.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi