Lindsay Lohan na-shock sa pagkamatay ng ex-dyowa

3 years ago 0 Comments

Inalala ng Hollywood actress na si Lindsay Lohan ang kanyang ex-boyfriend na si Harry Morton na sumakabilang-buhay noong nakaraang November 23 sa edad na 38.

Nagkaroon ng brief relationship si Lohan kay Morton back in 2006. Na-shock ang aktres noong mabalitaan niya na pumanaw ito.

Sa kanyang IG, pinost ni Lohan ang black and white photo nila noong dumalo sila sa 63rd Venice International Film Festival noong September 2006. Nilagyan niya ito ng caption na: “Best friends. Best life.”

Natagpuan na lang daw si Morton na wala nang buhay sa bahay nito sa Beverly Hills. Ang nakababata nitong kapatid ang nakakita kay Morton na lifeless na ito.

Ayon sa Beverly Hills Police Department, walang signs of foul play pero hinihintay nila ang autopsy report.

Si Harry Morton ay anak ng business tycoon na si Peter Morton, ang co-founder ng Hard Rock Cafe and Hotels, at lolo niya si Arnie Morton, founder of Morton’s The Steakhouse.

Naging founder naman si Harry ng Pink Taco restaurant chain in Los Angeles, Chicago, Boston and Las Vegas. Naging pag-aari din niya noon ang Viper Room nightclub in West Hollywood and is an investor in Beacher’s Madhouse.

Bukod kay Lohan, na-link din siya romantically kina Paris Hilton and Britney Spears. (Ruel Mendoza)

Source From:https://www.abante.com.ph/lindsay-lohan-na-shock-sa-pagkamatay-ng-ex-dyowa.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi