Lito Lapid suportado ni Goma sa Ormoc

4 years ago 0 Comments

BUO ang suporta ni incumbent Mayor Richard Gomez ng Ormoc City kay senatorial candidate Lito Lapid nang bumisita ito sa nasabing siyudad.

Magkasamang inikot nina Goma at Pinuno ang Ormoc sakay ng motorcade kung saan nabig­yan ng pagkakataon ang mga tagahanga at tagasuporta ng dating senador na masilayan ang kanilang idolo.

Mainit ang pagtanggap ng mga taga-Ormoc kay Lapid, kung kaya naman daw bawi ang pagod nito.

Samantala, bukod pa sa pag-iikot Ormoc City, ay bumisita rin si Lapid sa opisina ni Mayor Goma na muling tumatakbo sa pagka-alkalde ng siyudad.

Tuwang-tuwa naman ang mga empleyado ng city hall sa pagbisita ni Lapid at hindi napigilang magpa-picture sa senatorial aspirant.

Talaga namang kaliwa’t kanan ang taong nakipag­siksikan upang makapagpakuha ng litrato at maki­pagkamay kay Lapid.

Source From:https://www.abante.com.ph/lito-lapid-suportado-ni-goma-sa-ormoc.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi