Locsin: Mga OFW iluklok sa POEA; recruiter, komunista,…

3 years ago 0 Comments

Kung si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin lamang ang masusunod, dapat ay magkaroon ng 10 kinatawan ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Governing Board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang maisulong ang kapakanan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ito ang naging komento ni Locsin matapos siyang pasalamatan ng isang netizen sa pagpapatupad ng selective travel ban

“Don’t be grateful. It is your right and our obligation to serve your interests and not that of some recrui­ters. To think they have 2 seats in the POEA. Why? Why not 10 seats for OFWs? But occupied by real OFWs not commies or civil society shets,” diin ng kalihim sa tweet nitong Sabado, April 13.

Ang POEA board ay binubuo ng anim katao sa pangunguna ng kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) at POEA administrator.

Kumakatawan naman sa women sector si Milagros Isabel A. Cristobal; Alexander E. Asuncion sa land-based sector; Felix M. Oca sa sea-based sector at Estrelita S. Hizon sa private sector.

Source From:https://www.abante.com.ph/locsin-mga-ofw-iluklok-sa-poea-recruiter-komunista-civil-society-sibakin.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi