Lolong gustong umuwi ng Visayas, naglakad mula Cavite papuntang Las Piñas

3 years ago 0 Comments

Inabot ng 4 na araw ang paglalakad ng isang 67 anyos na lolo mula Rosario, Cavite hanggang makarating ng Las Piñas City sa Metro Manila. 

Nadatnan ng ABS-CBN News na natutulog sa kariton sa harap ng barangay hall ng Daniel Fajardo, Las Pinas ang lolong si Alberto Domingo, na tubong Daram, Samar. 

Dala lang niya ang bag na may ilang damit. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuwento ni Lolo Alberto Domingo, pinaalis siya noong Biyernes sa bahay ng kapatid niya sa Rosario, Cavite na mahigit 5 taon na siyang nakatira. 

Nagkaroon umano sila ng hindi pagkakaunawaan ng kapatid na ayon sa kanya ay nag-ugat noong inalagaan siya sa sakit. 

"Dapat 'di na sana lumaki iyon. Kaso sobra naman siya magsalita. Marami nang sinasabi, e ako naman, naiintindihan ko namang may sama ng loob sa akin, hindi lang sinasabi," ani Alberto.

"E ako, tumutulong mag-igib, maghugas ng mga plato, sa akin pa nagagalit. Ngayon e, sabi niya, 'Sige umalis ka kung gusto mong umalis na.' E ako, hindi na ako nagdalawang isip. Umalis ako agad," dagdag pa niya.

Aniya, tatlong gabi siyang naglagi sa Zapote Public Market sa Bacoor City bago naglakad papuntang Las Piñas.

"Halos hindi ko malakad ang aking mga tuhod, naghahalo ang pagod at saka gutom. Tumatawag lang ako saglit sa Panginoon, 'Tulungan Niyo po ako. Ngayon kailangan ko ng Iyong tulong'. Ewan ko bakit dito rin ako nasadlak," aniya. 

Balak niyang tumungo sa terminal ng bus sa Pasay City para magbakasakali ng libreng biyahe pauwi sa Samar para doon na lang mamuhay. 

"Mabuti pa mauwi na lang ng probinsya, magtanim ng ilang pirasong kamoteng kahoy, pwede na; manok, mag-alaga ng 2 piraso, mabubuhay na siguro ako," aniya.

Ngunit dahil nasa ilalim pa ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila hanggang katapusan ng Mayo, wala pang bumibiyaheng pampublikong sasakyan. 

Ayon sa staff ng barangay na si Archie Casimiro, pinayagan muna nilang maglagi sa barangay si Lolo Alberto at binigyan ng pagkain at kaunting pera. 

"Nakakahabag na nga kaya sige pumayag ako na mag-stay na lang siya diyan," ani Casimiro. 

"E baka wala pang masakyan, mag-iistambay lang siya diyan. Pero kung pupunta rin siya sa terminal, much better na rin na naroroon, safe din siya. Kaya lang ang iisipin nun, pagkain, yung pang-araw-araw na pagkain," dagdag pa niya. 

May residente ring nagpahayag ng interes na kupkupin ang senior citizen, pero hindi pa ito napagdedesisyunan ni lolo Alberto. 

Nananawagan siya ng tulong na makauwi sa probinsiya para roon makasama ang ibang mga kapatid. 

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/05/26/20/lolong-gustong-umuwi-ng-visayas-naglakad-mula-cavite-papuntang-las-pias

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi