Love Boracay 2020 kinansela

3 years ago 0 Comments

HINDI na tinuloy ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang lahat ng okasyon ng ‘Love Boracay’ nga­yong taon dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ang Love Boracay, na ipinalit sa sikat na Laboracay, ay isang linggong kasiyahan para gunitain ang isinasagawang rehabilitasyon ng world-famous resort island. Ito ay gaganapin sana simula Abril 26 hanggang Mayo 2.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny D. Antiporda, ang desisyon na kanselahin ang importanteng pagdiriwang sa Boracay ay nabuo sa ginanap na pagpupulong ng BIATF nitong Marso 12.

“Since the COVID-19 situation has not improved, and with the health of attendees, organizers and stakeholders, a primary consideration, the BIATF has decided to cancel this event,” ayon kay Antiporda.

Binanggit din ni Antiporda, kinonsidera sa naging desisyon ng BIATF na pinamumunuan ni DENR Secretary Roy A. Cimatu, ang mga kaganapan sa COVID-19 partikular na ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na state of public health emergency noong Marso 9. (Riz Dominguez)

Source From:https://www.abante.com.ph/love-boracay-2020-kinansela.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi