Luis rumesbak sa basher ni Gonzaga

3 years ago 0 Comments

May bagong pakulo si Alex Gonzaga sa kanyang YouTube channel. Sa kanyang latest vlog, gumawa siya ng parody na ginagaya niya kung paano mag-organize ng mga gamit si Marie Condo.

As usual, humirit nanaman si Luis Manzano ng pambu-bully sa kanyang kaibigan.

“Paano ka maglilinis, e ikaw mismo yun dumi… pambihira!” sabi nito.

Sumagot din agad si Alex at sinabing “dapat sayo vinavaccum mukha e.”

Pero tila nawala ang pagbabarahan ng dalawa nang may umepal na basher.

“@luckymanzano tama ka dyan!!! lahat nalang gusto pagkakitaan ng gaga!” gigil na comment ng basher.

At kahit laging binu-bully ni Luis si Alex, hindi nito pinalampas na ipagtanggol ang kaibigan.

“At least marami napapasaya, kesa inis ka sa kanya pero nakaabang sa galaw niya (ikaw)!” depensa ng host.

Dahil dyan, hinangaan ng mga netizen ang pagkakaibigan ng dalawa dahil kahit palaging nag-aasaran ay handang protektahan ang kaibigan sa sino mang bumangga. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/luis-rumesbak-sa-basher-ni-gonzaga.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi