ITINANGGI ng tanggapan ni Senador Cynthia Villar na sila ang nagmamay-ari ng lupain na kinatitirikan ng kontrobersyal na China Food City sa Alabang-Zapote Road sa Las Piñas.
Reaksyon ito ng kampo ni Villar sa lumabas na artikulo sa Abante nitong April 8 na may titulong ‘Bawal Pinoy sa Chinese Food Park’.
Ayon sa kampo ng senadora, hindi kanila ang lupain na kinatitirikan ng China Food City sa tapat ng Shell sa Almanza.
Ang nasabing food park ay naging kontrobersyal dahil sa pinagbabawalang makapasok ang mga Pinoy, kundi mga Chinese lamang ang customer.
Source From:https://www.abante.com.ph/lupang-kinatitirikan-ng-chinese-food-park-di-sa-mga-villar.htm