Luzon lockdown palawigin ng 30 araw – Erice

3 years ago 0 Comments

Nanawagan ang isang mambabatas sa Malacañang na palawigin pa ng 30 araw ang pinaiiral na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa hindi humuhupang coronavirus outbreak.

Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, mababalewala lang ang ipinatupad na 30 araw na ECQ kung hindi ito palalawigin ng isang buwan dulot ng patuloy na pagtaas ng kaso ng tinamaan ng COVID-19.

Aniya, wala ring matibay na basehan ang gobyerno kung ilan ang dinapuan ng coronavirus sa bansa dahil sa kawalan ng mass testing.

“The experience of other countries and common sense would dictate that the Philippine government should extend the enhanced community quarantine for another 30 days as we continue to grapple with hard facts on the real statistics of COVID-19 spread in our communities,” giit ng mambabatas.

“I have been to more hundred villages in my city the past two weeks and I am afraid that if Covid-19 reach this areas all hell will break loose,” babala pa ni Erice.

Matatapos na ang isang buwan na ECQ o lockdown sa Luzon sa darating na April 14. (Eralyn Prado)

Source From:https://www.abante.com.ph/luzon-lockdown-palawigin-ng-30-araw-erice.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi