‘Ma-rape ka sana!’ Heart binantaang papatayin

4 years ago 0 Comments

“I eat death threats for breakfast” — @iamsenmiriam.”

Bungad ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram story na parinig sa kanyang basher na pinagbantaan ang kanyang buhay, na dinaan sa pamamagitan ng pagkomento sa isang post niya.

Matapang na tinag (tag) din ng aktres sa kanyang IG story ang basher na nagbabanta sa kanya.

Nagpaalala pa si Heart sa mga nabibiktima ng bullying na mas iaangat pa sila ng Dyos at chin up lang.

“Hey heart!!! I wish you unlimited miscarriages!!! Sana mamatay ka at ma-rape. Also, you are not even good enough for academy of art. Your house in foster city is pangit,” sabi sa comment ng kanyang basher.

Hindi pinalampas ng aktres ang pagbabanta ng kanyang basher pero mabubuting salita pa rin ang isinagot niya.

“@sharmaineverdad I know which fan club you are from … the only one that wishes me all these things. Watch your words because God knows all. Watch those words because the opposite will happen to me . I pray for you… all of you. no weapon formed against me shall prosper keep them coming because for every bash is equivalent to a blessing…” sagot nga ni Heart sa kanyang basher.

Ipinagtanggol naman ng maraming fan ang kanilang idolo at binugbog din ng mabibigat na salita ang natu­rang basher. (Athena Yap)

Source From:https://www.abante.com.ph/ma-rape-ka-sana-heart-binantaang-papatayin.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi