Mabilis labasan (2)

4 years ago 0 Comments

Dear Dra. Holmes, (shortened March 25 letter)­
Itago niyo nalang ako sa pangalan na Ted. May tanong lang po ako: Bakit everytime na makikipag-make love ako ang bilis ko labasan, 30 secs or minsan 5 stroke lang nilalabasan na ‘ko.

Actually OFW ako. ‘pag nauwi ako ‘Pinas at nakikipa-make love ako sa asawa ko, ang bilis ko labasan. Pero way back 5 years nung my GF ako, sa una mabilis ako labasan pero nung malimit kami mg make love halos 3-5minutes ako bago labasan. – TED

Dear Ted,
Maraming sala­mat sa sulat mo na pinublish natin ng buo noong nakaraang Lunes, Marso 25. Doon, sinagot ko ang mga tanong mo tungkol sa koneksyon ng madalas magmasturbate at madaling labasan (walang koneksyon). Ngayon naman, tatalakayan natin ang pinakapangkaraniwang dahilan na mabilis labasan ang isang lalake.

Sa katotohanan lang, Ted, binanggit mo na ang dahilan para sa iyong problema. Ikaw ang nagsabi na “sa una mabilis ako labasan pero nung malimit kami mag-make love halos 3-5 minutes ako bago labasan.” In other words, Ted, kung hindi na kasing bago ang iyong pagtatagpo ng partner mo, mas madaling tagalan ang inyong pagsisiping.

Hindi ibig sabihin na wala ka ng gana o pagnanasa para sa kaniya. Ang ibig sabihin lang ay, madalas kayo magkitam siyemre hindi ka na sabik, hindi na ito napakabagong karanasan.

Dahil ikaw ay OFW, malamang hindi mo nakikita ang asawa mo nang madalas o matagal, kasi nakikita­ mo lang siya kapag bakasyon mo at maka­kabalik ka rito sa Pilipinas. Siyempre, ang unang mga beses na nagsisiping kayo, mabilis ka labasan. Sa Biyernes magbibigay ako ng payo para makatulong tagalan ang inyong pagsisiping.

FINAL INSTALLMENT FRIDAY
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

Source From:https://www.abante.com.ph/mabilis-labasan-2.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi